Respuesta :

Answer:

Politika/Pulitika

Answer:

Ang politika ay ang nag uugnay sa mga mamamayan at sa mga taong namumuno dito. Ito rin ay tumutukoy sa teorya na nakakaapekto sa pamamahala ng tao. Ito ay ginagamit upang magkaroon ng kontrol sa mga tao sa isang organisasyon. Maaari rin itong ituring bilang kapangyarihan. Nagmula ang salitang ito sa "politikos".

Ang politika ay mahalaga sapagkat ito ang nagbibigkis sa mga mamamayan at sa mga taong may kakayahang mamuno sa lipunan at mga organisasyon.

Kahalagahan

Ang politika ay mahalaga dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:

Ito ang nagsisilbing gabay sa pamumuno sa mga tao

Nagkakaroon ng kontrol ang mga tao sa magiging takbo ng organisasyon

Sa lipunan, ang politikang pamahalaan ay gumagawa ng mga pasya sa ikabubuti ng lipunan

Ito ay binubuo ng iba't ibang antas ng mga tao sa lipunan.

Ekonomiks

Ang ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.

Kaugnayan ng Ekonomiks sa Politika

Ang pamahalaan at batas ay tuwirang may impluwensiya sa pagbabagong pangkabuhayan ng bansa tulad ng kalakalan, proteksyong pang mamimili, presyo, suplay, demand at imprastraktura at dito nagkakaroon ng ugnayan ang ekonomiks sa politika.

Nakatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon ng pinuno ng bansa.

Sa pamamagitan ng ekonomiks maaaring maunawaan ang mga batas at programang ipinatutupad ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng ekonomiya.

Binigyang diin din ng ekonomiks ang mga gawain ng tao na nakatuon sa pangkabuhayan at gawi ng pamumuhay.

Patuloy na pinag-aaralan sa ekonomiks ang mga bagay na nakakaapekto sa ekonomiyang pamumuhay ng mga tao sa buong bansa.

Kahalagahan ng Ekonomiks

Bilang bahagi ng Lipunan - para sa mabuting pamamahala; pag- unawa sa mga napapanahong isyu, batas at programa ng pamahalaan tungo sa pag-unlad ng ekonomiya.

Bilang kasapi ng Pamilya - pag-unawa sa mga isyu sa pag-aaral, pagkita, paglilibang, paggasta at pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan tungo sa matalinong pagdedesisyon at pagpapasiya para sa iyong pamilya.

Bilang isang mag-aaral/estudyante - humuhubog ito ng pag-unawa, pag-intindi, ugali at gawi tungo sa matalinong pagdedesisyon at pagpapasiya para sa kinabukasan at hanapbuhay sa hinaharap.

Para sa karagdagan pang kaalaman tungkol sa Ekonomiks, magtungo sa link na:

brainly.ph/question/302889

brainly.ph/question/2759335

ACCESS MORE
EDU ACCESS