May isang batang babaing mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan ay kapansin- pansin ang pagiging walang imik. Madalas na nag-iisa siya. Lagi siyang nasa isang sulok. Kapag nakaupo na'y tila ipinagkit. Lagi siyang nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang kapag tinawag ng guro halos paanas pa kung magsalita. Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang nalaman na kaiba ang kanyang kalagayan kung ihahambing sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila iyon sa kanya. Mayayaman sila. Magaganda at iba-iba ang kanilang damit na pamasok sa paaralan. Madalas ay tinutukso siya dahil sa kanyang damit. Ang kanyang damit kahit malinis ay halatng luma na palibhasa ay kupas na at punung-puno pa ng sulsi.
Pangunahing Kaisipan:
________________________________________________________________
Mga Pantulong na Kaisipan:
1.
2.
3.
4.
5.