Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay tumutukoy sa tamang paggawa ng padron at Mali naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno 1. Kunin ang sukat sa dibdib. llagay paikot ang medida sa pinakamalaking bahagi ng dibdib at sa ilalim ng braso. Panatilihing tuwid ang likod ng iyong sinusukatan. 2. Pangatlo, kunin ng sukat ang baywang. Ilagay paikot ang medida sa pinakamalaking bahagi ng baywang. 3. Panghuli kunin ang haba ng apron: Sukatin ang haba buhat sa kilikili hanggang sa laylayan ng damit at dagdagan ito ng 7 hanggang 8 cm. 4. Matapos kunin ang lahat ng sukat maari ka nang gumawa ng apron. 5. Sa paglalapat ng padron sa tela, tiklupin ang tela sa gitna na nakaharap ang kabaligtarang panig o wrong side sa iyo​