Answer:
Panginoon, maraming salamat po
sa mga biyayang ipinagkakaloob mo sa amin sa araw-araw.
maraming salamat po sa paggabay mo sa amin
sa araw araw naming gawain, kahit mahirap ang buhay
patuloy parin ang biyayang aming natatanggap.
lagi kaming may pagkain sa aming hapag kainan.
Salamat po dahil walang nagkakasakit sa aking pamilya
Salamat dahil dininig mo ang aking panalangin na magkaroon kami ng sarili naming bahay.
Salamat panginoon sa araw-araw na paggising ko sa umaga
dahil binibigyan mo ako ng panibagong araw ng pag-asa
at binibigyan mo pa ako ng mga araw para makasama ko ang aking pamilya. salamat po Amen.
Explanation:
THANK ME LATER<3