Answer: Ang eleksiyon o halalan (election) ay isang pormal na proseso ng pagpapasiya kung saan ang isang populasyon ay pumipili ng mga indibidwal na hahawak ng isang publikong opisina. Ang mga halalan ang karaniwang mekanismo kung saan ang modernong kinatawan ng demokrasya ay isinasagawa simula ika-17 siglo. Ang mga halalan ay maaaring humalal ng sangay na ehekutibo, mga miyembro ng lehislatura, at minsan ay ng hudikatura gayundin ng mga miyembro ng pangrehiyon at lokal na gobyerno.
HOPE THIS HELPS