Respuesta :

Ang relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad.[1] Ang maraming mga relihiyon ay may mga mitolohiya, mga simbolo, mga tradisyon at mga sagradong kasaysayan na nilalayon na magbigay kahulugan sa buhay o ipaliwanag ang pinagmulan ng buhay o sansinukob. Ang mga ito ay humahango ng mga moralidad, etika, mga batas relihiyoso o pamumuhay mula sa mga ideya nito ng kosmos at kalikasan ng tao. Tinatayang may mga 4,200 relihiyon sa mundo sa kasalukuyan.[2] Ang karamihan ng mga relihiyon ay may organisadong mga pag-aasal, pinuno (gaya ng kaparian at pastor) o tagapagtatag, isang depinisyon ng kung ano ang bumubuo sa pagiging kasapi o pagsunod dito, mga banal na lugar at mga kasulatang relihiyoso. Ang pagsasanay ng relihiyon ay kinabibilangan rin ng mga ritwal, mga sermon, mga pag-alaala o benerasyon ng isang diyos, mga diyos o mga diyosa, mga paghahandog, mga pista, mga transiya, mga inisiasyon, mga puneral, mga matrimonyo, meditasyon, panalangin, musika, sining, sayaw, o iba pang mga aspeto ng kultura ng tao.[3]

Ang salitang relihiyon ay minsang ginagamit upang ipalit sa pananampalataya. Gayunpaman, ayon kay Émile Durkheim, ang relihiyon ay iba sa pananamapalataya o paniniwalang pansarili o pribado dahil ang relihiyon ay isang panininiwala na natatanging pang panlipunan.[4]