Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Basahin at unawain ang sumusunod na
talata. Sagutan ang mga katanungan sa iyong sagutang papel.
Noong Hulyo 16, 1990, 4:30 ng hapon, lumindol na may lakas na
magnitude 7.7 na tumagal ng apatnapu't limang segundo. Ang
estudyanteng si Robin Garcia ng Cabanatuan ay iniligtas ang walong
estudyante at guro sa gumuguhong Christian College of the Philippines.
Sa kasamaang palad, matapos ang kabayanihan, si Robin ay nasawi siya
dahil natabunan siya ng mga debris na dulot ng after shock. Kinilala siya
ng Boy Scout of the Philippines at pinarangalan ng "Gold Medal of
Honor” gayundin ni Pangulong Corazon Aquino na naggawad ng titulong
“Grieving Heart Award” na tinanggap ng kaniyang mga magulang.
1. Sa iyong palagay, ano ang nag-udyok kay Robin upang ibuwis ang
kaniyang buhay sa pagliligtas ng mga estudyante at guro? Ipaliwanag.
2. Bilang kabataan tulad ni Robin, gagawin mo rin ba ang kabayanihang
ginawa niya? Pangatwiranan.
3. Ano-anong mahahalagang aral ang iyong natutuhan mula kay Robin?
4. Anong pagmamalasakit o pagtulong ang maaari mong magawa para sa
iyong kapwa?
5. Bukod kay Robin, sino pa sa palagay mo ang mga huwarang tao na dapat
mong tularan sa pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa?