reflection paper tungkol nito
Iba-iba ang antas at kalagayan ng kababaihan noon at ngayon. May higit na maganda ang kalagayan at mayroon ding kakaunti ang karapatan. Hindi agarang narating ng mga kababaihang Asyano ang kanilang kasalukuyang kalagayan, sila ay nagpunyagi upang mapabuti ang kanilang kalagayan. Nakita ng kababaihan ang kahalagahan ng mga samahan upang maisulong ang kanilang interes at marinig ang kanilang mga boses. Bilang Asyano, mahalagang malaman natin ang mga pakikibakang isinagawa ng kababaihang Asyano upang maisulong ang karapatan nila at makamtan ang pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae sa lipunan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kilusan na magtataguyod sa karapatan ng kababaihan.
1. Naiisa-isa ang mga kilusang nabuo na nagpapakita ng bahaging ginampanan ng mga kababaihan tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya, at karapatang pampolitika;
2. Natutukoy ang karanasan at bahaging ginampanan ng mga kababaihan tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang pampolitika; at
3. Nasusuri ang karanasan at bahaging ginampanan ng mga kababaihan tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya, at karapatang pampolitika.