Salamat sa iyo, O nanasang irog, kung halagahan mo itong aking pagod; ang tula ma'y bukal ng bait na kapos, pakikinabangan ng ibig tumarok.
2
Kung sa biglang tingi'y bubot at masaklap, palibhasa'y hilaw at mura ang balat; nguni't kung namnamin ang sa lamang lasap,
masasarapan din ang babasang pantas.
Di ko hinihinging pakamahalin mo, tawana't dustain ang abang tula ko; gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo ay huwag mo lamang babaguhin ang berso.