Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Lagyan ng tsek (✓) ang patlang sa tabi ng bilang kung sumasang-ayon ka sa pahayag at ekis (X) naman kung hindi ka sumasang-ayon. Magbigay ng isang pangungusap na magpapaliwanag sa iyong pananaw at isulat ito sa linya sa ilalim ng pangungusap sa bawat bilang.
1. Ang Amerika ang nagbigay ng kaunlarang pang-ekonomiya sa Pilipinas.
2. Ang Pilipinas ay binigyan ng kasarinlan ng Amerika sa pamamagitan ng pamahalaang Komonwelt.
3. Sumang-ayon ang lahat ng Pilipino sa pamamalakad at adhikain ng mga Amerikano para sa Pilipinas.
4. Ang malayang kalakalan ay nagdulot ng maraming kapakinabangan sa Pilipinas.
5. Ang sistema ng edukasyon noong panahon ng Amerikano ay nagbigay- diin sa kahalagahan ng relihiyon.
6. Ang mga delegadong Pilipino na pumunta sa Amerika ay binigyan ng pagkakataong makipagnegosasyon sa mga Amerikano para sa kalayaan ng Pilipinas.
7. Ang mga kababaihan noong panahon ng mga Amerikano ay nakaboboto.