Panuto: Tukuyin ang tamang sagot sa bawat pangungusap.
21. Ito ang pag-aaral sa paglikha, pagbabago at klasipikasyon ng lupa.
22. Tumutukoy sa pag-aaral sa katangian, distribusyon, at epekto ng katubigan sa kapaligiran at pamumuhay ng tao.
23. Nakasentro ito sa distribusyon ng mga halaman at hayop at ang epekto ng mga ito sa kapaligiran.
24. Tumutukoy sa pagsusuri ng mga puwersa tulad ng hangin, katubigan, yelo, at paglindol na humubog at nagpabago sa mga anyong lupa.
25. Pinag-aaralan ang sistema ng klima ng mundo at ang epekto nito sa tao at sa kapaligiran.
26. Tema ng pag-aaral ng heograpiya na binubuo ng mga lugar na may magkakatulad na katangian, Ilan sa mga ito ay ang klima, mga anyong tubig at anyong lupa, mga katangiang pangkultura tulad ng wika at relihiyon.
27. Tema ng pag-aaral ng heograpiya na tumutukoy sa katangiang pisikal at sa mga taong naninirahan sa isang pook.
28. Ito ang karanasan sa kasaysayan, ang tao ay nagbabago at binabago ng kapaligiran kung kaya’y kailangan ng tao ang kalikasan upang mabuhay.
29. Ito ang pagkilos ng tao mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar.
30. Ito ang naglalarawan sa mga pag-aaral sa ibabaw ng lupa, na binubuo ng mga pagbabago sa mga anyong lupa o anyong tubig.